PUBLIC ADVISORY:

Klase sa Maynila, sinuspinde ni Mayor Joseph Ejercito Estrada; mga gusali, pina-iinspeksyon. Matapos ang rekomendasyon ni Manila Risk Reduction Management Office Chief Col. Felix Abad na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali ng mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa nangyaring lindol, sinuspinde ni Mayor Erap ang klase sa lahat ng antas ng pag-aaral, kasama na ang mga summer classes, remedial class bukas, Abril 23, 2019.

Higit sa ano pa man, gusto ni Mayor Erap na matiyak ang kaligtasan ng mga estduyante sa panganib ng aftetshocks at posibleng danyos na nagawa ng lindol.

Pinag-utos na rin ni Mayor Erap sa City Engineering officials ang pag-inspeksyon sa mga pasilidad ng pamahalaang lokal kabilang ang city hall, sports complex, health centers at 6 city hospitals.

Nanawagan din si Mayor Erap ng sama-samang panalangin para sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan.